Ensemble (ɒnˈsɒmb ə l, French ɑ̃sɑ̃blə)
The degree of precision and unity exhibited by a group of instrumentalists or singers performing together
Noong Hunyo ng taong 2003, iminungkahi ni Msgr. Vic Ocampo, ang kura paroko ng Orani ng taong iyon, na magkaroon ng karagdagang misa tuwing Linggo ng hapon. Inatasan ang Parish Youth Ministry na magbuo ng koro na binubuo ng mga kabataan para magsilbing gabay ng mga mananampalataya sa pag-awit sa idaragdag na misa. Inatasan ng pamunuan ng PYM na si Architect Gary Mariano si Maestro Noel Villanueva para mangasiwa sa pagbubuo ng koro. Nagkararoon ng anunsiyo na audition at tumugon naman ang mga kabataan ng ating parokya. Ang koro ay pinangalanan ng Maestro na Orani Vocal Ensemble. Iba’t-ibang edad at pagkatao ng mga kabataan kapwa may iisang hangariin- ang maglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng pag-awit.
Dalawang buwang nagsanay ng mga awit-pangmisa. Di alintana ang pagod at hirap ng pag-eensayo makamit lamang ang hangaring magbigay ng papuri sa Diyos. At noong Setyembre 28, 2003, pormal ng inilunsad ang panibagong misa… kasaliw sa musika ng panibagong koro. Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ng mga kabataan sa una nilang paglilingkod. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pag-awit para sa Diyos.. paraan ng pasasalamat sa biyayang ipinagkaloob. Bagama’t may mga lumisan at nadagdag sa grupo, di kailanman mawawala ang pagmamahal sa musika at alab ng paglilingkod sa Panginoon at sa Kanyang sambayanan.